Una sa Balita

P500 arawang sahod sa mga health volunteer payat

0 413

Handang tulungan ni House Appropriations Chairman at ACT CIS Rep. Eric Yap sa Department of Health (DOH) ang mga volunteer health workers intensiyon na tutulong sa gobyerno sa giyera kontra coronavirus disease 2019 para mabigyan ng sapat at nararapat na suweldo.

Ayon kay Yap, hindi makatwiran na bigyan lang ng P500 suweldo kada-araw ang mga volunteer health workers.

“Hindi tama na bigyan lang sila ng P500 a day na suweldo, porke’t hindi pa sila lisensiyado ay iyon lang ang ibibigay sa kanila? ani Yap.

Sinabi ni Cong. Yap. “giyera” ang kanilang kakaharapin kaya dapat lamang na bigyan sila ng sapat na suweldo tulad ng mga makakasama nilang sa professional at lisensiyado dahil inilalagay din nila ang kanilang buhay sa balag ng alanganin.

Aniya, may nalalaman at may experience naman sa medical field ang mga volunteer health workers na una ng nagpahayag ng intensiyon sa tutulong sa pamahalaan sa laban COVID-19.

Sa datos na nakarating kay Cong. Yap, may 600 interns, doktor, physician assitant at nurse ang handang sumabak sa ‘giyera’ kontra corona virus para tumulong sa mga health worker na ilang linggo ng pagod at walang pahinga.

Anang mambabatas, ‘work at home’ siya ngayon matapos magkamali at humingi ng sorry ang RITM sa kanyang COVID test. (JNL)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More