Una sa Balita

P5 milyon premyo sa Roligon 5-Cock

0 1,084

GARANTISADONG P5 milyon na premyo, mababang P11,000 entry fee, P5,500 minimum bet at tsansang makilala sa bigtime sabong.

Ito ang panghatak ng “Hatawan sa Tag-Ulan 5-Cock Derby”, inaasahang hahakot ng 400 entries at sisimulan sa June 6 sa Roligon Mega Cockpit.

“May 100 sultada ang sigurado sa June 6, puwede na pong magpareserba ng cockhouse,” ani Tiling Capitan ng Roligon na nakasuporta kay roligon CEO Dennis Ligon.

May bonus na P100,000 day prize (hati -hati) para sa three pointers sa 3-cock elims saJune 6, 13, 20 at 27; July 4, 11, 18 at 25.

Ang 2-cock finals: Aug. 1 (1, 1.5, 2 at 2.5 points may premyong P400,000 sa 2 pointers) at Aug. 8 (3 points).

Para sa champion handler ang P100,000 at gaffer P70,000.

May trophy ang bawat kampeon mula sa sponsors Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird.

Sa detalye: 519-7345 (Roligon office), 0920-9509090 (Shirley) at 0926-7134069(Tiling). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy