Una sa Balita

P5.7M shabu nasabat sa 3 tulak

0 284

AABOT sa mahigit P5.7 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na tauhan ng Manila Police District-Police Station 2 at Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) sa isinagawang operasyon sa Balut, Tondo, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-Police Station 2, ang mga suspek na sina Anowar Mocamad, 31, tubong-Maguindanao at tinuturing na high value target; Tato Amiril, 21; at Fatima Garcia, 29, tubong-Talitay Cotabato.

Isinagawa ang buy-bust operation alas-3:10 kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lugar kung saan isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer.
Nasamsam sa mga suspek ang P1,000 genuine na tig-P1,000 at 59 pirasong pekeng P1,000 at 850 gramo ng shabu.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165, o Comprehensive Dange­rous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors’ Office ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy