Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P5.5B nasabat na shabu wasakin – PNP chief

0 10

Nakipag-ugnayan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kukuha sila clearance mula sa iba’t ibang concerned courts upang agarang masira ang mahigit 809 kilo ng nasabat na shabu mula sa naganap na operasyon sa Zambales, Bataan at Cavite.

Giit ni PNP Chief Eleazar, upang hindi na ito ma-recycle ng mga tiwaling opisyal na nagpapaikot ng batas kaya naman inatasan na nito ang PNP Legal Service na asistihin ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at iba pang Drug Enforcement Units (DEU) na gumawa ng legal documents para mawasak ang mga nakumpiskang shabu at iba pang illegal drugs.

Ang 809 kilos ng shabu sa Zambales, Bataan and Cavite na umaabot sa P5.5 billion ang halaga ay maituturing na pinakamalaking huli kontra sa droga ngayong taon. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.