Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P4P may apela sa Kamara

0 581

Nagpahayag ng pagkaalarma ang Power for People Coalition (P4P) dahil sa maling paglalarawan sa ‘coal’ o karbon bilang murang mapagkukunan ng enerhiya sa bansa.

Ito ay matapos ang pagdinig ng Committee on Good Government and Public Accountability sa Kamara ukol sa naranasang ‘ shock bill’ ng mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Mayo at Hunyo, kung saan sinabi ni Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, sa ‘distribution utility’ na sa halip na gumamit ng natural gas, ay ‘coal’ na mas mura ang pagkunan ng enerhiya.

“We are glad that Congress is finally holding Meralco accountable for securing power contracts that would generate least cost rates. This is something that P4P has advocated for so long. We, however, are concerned that the use of mistaken information about coal in the hearing would cause consumers more harm than good,” ayon kay Gerry Arances, P4P Convenor.

Binigyang diin ng grupo na sa katunayan, ang datos na ibinigay ng Department of Energy, na binanggit ni Fernandez, ay aktwal na nagpapakita kung gaano kamahal ang ‘coal’ kumpara sa renewable energy.
“Meralco’s generation charge for renewable energy from November 2017 to April 2018 never

exceeded ₱5.05 per kilowatt hour. Compare that to coal’s wildly volatile prices which reached as high as ₱59.72 in the same period. Clearly one energy source is cheaper than the other,” ani Arances.

Bukod dito, iginiit ng energy advocate na saklaw ng ‘coal’ ang nakatagong halaga para sa mga konsyumer, gaya ng ‘passed on charges’ at ‘external costs’ na pinapapasan ng mga komunidad na apektado ng ‘coal operations.’

“We also air these concerns in case Hon. Fernandez does not realize he may accidentally be

promoting the continued suffering of residents in coal-affected communities. The impacts of pollution from coal-fired power plants to the health, livelihood, and environment of host communities are in fact something that the committee could also deeply look into in its sessions,” ayon pa kay Arances.

Dahil dito ay umapela at nagpadala na ang P4P ng ‘position paper’ sa komite at hiniling na ikunsidera ang ‘renewable energy’ bilang solusyon sa problema na kinakaharap ngayon ng Meralco, bilang bahagi ng national recovery plan sa nararanasang krisis sa COVID-19 pandemic.(Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.