Una sa Balita

P45M SuperLotto jackpot,

hagip ng mananaya sa Metro Manila

By
0 691

Nahagip ng isang mananaya sa Metro Manila ang P45 milyong jackpot ng SuperLotto 6/49 draw noong Linggo ng gabi.

Ayon kay PCSO Gene­ral Manager Alexander Balutan, ang winning lotto ticket ay nabili sa Robinson’s Galleria.

Natumbok ng mananaya ang numerong 14-07-16-10-30-40 na may kabuuang premyong P45,451,487.00.