Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P45M marijuana winasak sa Benguet

0 43

Tinatayang nasa mahigit P45 milyong halaga ng mga tanim at tuyong dahon ng marijuana ang sinira at sinunog sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Kibungan, Benguet kamakalawa.

Sa report ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR), katulong ang iba’t ibang law enforcers, sinuyod nila ang dalawang sinasabing marijuana plantation site sa Sitio Palwa, Barangay Sagpat noong Biyernes mula alas-6:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon.

Pinagbubunot ng mga operatiba at sinunog ang 7,000 piraso ng full grown marijuana sa unang site habang 5,950 piraso naman sa site 2. Tinatayang may street value ang mga ito na P2,519,000.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, 300 metro mula sa unang lugar ay nadiskubre rin ng mga operatiba ang 12 sako ng pinatuyong dahon ng marijuana, mga buto at mga tangkay nito na pawang nagkakahalaga ng P43,325,000.

Nagkakahalaga lahat ng P45,919,000.

Bago mangyari ang raid, ang mga pulis ay nagpatrolya sa lugar para sa posibleng pag-aresto sa mga cultivator o bantay ng plantasyon ngunit wala umano silang nadatnan. (Allan Bergonia/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.