Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P42M marijuana sinunog sa Kalinga

0 376

Aabot sa P42 milyon halaga ng marijuana ang pinagbubunot at sinunog sa ginawang serye ng anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Kalinga.

Sa report ng PDEA-Kalinga, ang mga iligal na halaman ay nakita sa magkahiwalay na plantasyon sa Brgy. Loccong na may lawak na 8,000 square meter.

Pinamunuan ng PDEA-Kalinga ang nasabing operasyon, na sinuportahan ng Police Provincial Office (PRO) ng Region 1, 2, Mimaropa at Tinglayan Mulicilpal Police Station.

Ayon sa awtoridad, nasa 210,000 na pirasong full-grown na puno ng marijuana ang natagpuan at agad na sinunog sa mismong lugar na kung saan natangpuan ang mga ito.

Sinabi ng PDEA na wala ni isang cultivator ang nahuli sa isinagawang pagsalakay.

Pangalawa na umano ang nasabing operasyon sa lugar simula nitong Hulyo. Sa unang raid ay nakakumpiska ng 66,000 full-grown marijuana na may street value na P13.2 million.

Noong Hunyo naman, ayon sa PDEA, nasa P164,000 halaga ng halamang marijuana ang sinunog sa nasabing barangay. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.