Una sa Balita

P400M ghost projects ng DPWH idinetalye

By
0 147

Halos isang buwan matapos magpadala ng liham si Lubang, Occidental Mayor Robert Sanchez kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, sumulat din si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa Kalihim para imbestigahan ang ‘alleged gross anoma­ly and misreporting’ ng mga road projects ng kagawaran sa Lubang Island.

Nalaman pa kay Sanchez na ang mga kahina-hinalang completion reports ng DPWH ay ginawa ni District Engineer Josefino ‘Jose’ Mergal.

Si Mergal ay nakatalaga ‘di umano sa Occidental Mindoro nitong nakalipas na limang taon sa kabila ng polisiya ng DPWH na dapat i-reshuffle ang mga engineer kada dalawa o tatlong taon para maiwasang maging pamilyar ang mga ito sa mga local contractors at opisyal ng mga lokal na pamahalaan.

Binanggit pa ni Sanchez ang 19 road projects­ na may total cost na P315.483 milyon.

Ang mga proyekto ay isinagawa ng mga private contractors na Algimar, CL Carandang at Kejamarenik, na ayon­ kay Sanchez ay isang paglabag sa Revised Penal Code dahil sa falsification and malversation at sa Anti-Graft and Corrup­t Practices Act.

Idinetalye ni Sanchez ang mga malalaking ano­malya sa nasabing report:

* P40 million road project sa Onoda Trail na ginawa ng Algimar na ayon sa DPWH ay 96 percent complete nitong March 2017 subalit 50 percent lamang ang natatapos;

* P39 million Tangal-Putat-Tumibo road pro­ject ng Algimar na sabi ng DPWH ay 90 percent complete subalit hindi pa umano nasisimulan;

* P35 million Tangal-Bansalugin-Tumibo Road ng Algimar na ayon sa DPWH ay 90 percent nang tapos subalit 5 percent pa lang ang nagagawa;

* P27.17 million Tagbac-Lubang-Looc Road ng Algimar na ayon sa DPWH ay 98 percent nang tapos nitong March 17 subalit hindi pa talaga nasisimulan;

* P22 million Maligaya Flood Control ng Algimar na 98 percent nang tapos subalit 10 percent pa lang ang nagagawa, ayon kay Mayor Sanchez;

* P6 million farm-to-market roads na ginawa ng CL Carandang na ayon sa DPWH ay 50 percent nang kumpleto subalit hindi naman nasisimulan;

* P3.228 million Lubang Water System improvement project na ginawa naman ng contractor na Kejemarenik, na sabi ng DPWH ay 95 percent complete nitong March 2017 subalit hindi pa naman talaga nasisimulan.

 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy