Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P4.7M shabu sinunog sa Davao

0 51

Tinatayang nasa milyon-milyong pisong halaga ng iligal na droga ang sinunog ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Davao Region kamakalawa.

Ayon sa mga awtoridad, winasak nila ang lampas 300 gramo ng shabu na tinatayang nasa P4.7 milyon ang halaga sa Tagum City, Davao del Norte. Kabilang anila rito ang 19 gramo ng marijuana na nagkakahalagang P2.2 milyon.

Ang naging pagsusunog ay alinsunod na rin sa Section 21 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act kung saan kailangang sirain o sunugin ang mga ipinagbabawal na gamot matapos magamit na ebidensya sa korte.

Sinabi naman ng PDEA Davao Region na ginawa nila ito para hindi isipin ng publiko na nire-recycle lamang nila ang mga iligal na droga. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.