Una sa Balita

P4.7B para sa mga beterano, biyuda at military retirees

By
0 4

Good news para sa mga beterano, biyuda ng mga militar at retirado ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Personal na ibinalita ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Bayani kahapon ang pamamahagi ng multibilyong piso na laan sa mga kababayang nagserbisyo noong panahon ng giyera, gayundin sa kanilang mga mahal sa buhay at mga nagretirong miyembro ng militar.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa National Heroes’ Day Ceremony sa Libingan ng mga Bayani, inihayag nito na umaabot sa kabuuang P4.7B ang pondong ilalaan para sa kapakinabangan ng war heroes, kanilang mga kaanak at gayundin sa AFP retirees.

“For those who were not paid by the previous administration, to the all of them for release is P4.7 billion for the payment of the total administrative liability…of widows of World War II veterans, and AFP retirees who are 80 years old and above. The amount is appropriated in 2016 budget but not released by Aquino…nakalagay ‘yung pangalan but never mind him, e dumaan na s’ya, it’s no longer his problem,” salaysay ni Pangulong Duterte.

Binanggit din nito na ang joint IRR (implementing rules and regulations) para sa pagpapatupad at pagre-release ng pondo ay pinirmahan nina Department of Budget and Ma­nagement Secretary Benjamin Diokno at National Defense Secretary Delfin Lorenzana.