Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P4.5M ukay-ukay nasabat sa Cebu

0 102

Umabot sa P4.5 milyong halaga ng ukay-ukay ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Cebu.

Ayon sa ulat, nakumpiska mula sa importer na GRR Trading ang kabuuang 694 bulto ng mga ukay-ukay na misdeclared.

Dumating sa pantalan ng Cebu City mula sa China noong August pa ang deklaradong mga hotel supply subalit nang idaan sa X-ray ay naging kahina-hinala ang laman ng kargamento.

Nang magsagawa ng complete physical examination sa kargamento ay nadiskubreng naglalaman ito ng 694 bulto ng mga nagamit nang damit.

Bunsod nito, agad naglabas ng warrant of seizure and detention si Atty. Charlito Martin Mendoza, acting district collector, dahil sa paglabag sa Republic Act 4653 o pagbabawal sa pag-aangkat ng mga used clothe mula sa ibang bansa lalo na ngayong pandemic. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.