Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P4.5M shabu pinuslit sa choco wafer

0 300

Nakulimbat ng Bureau of Customs-NAIA ang abot sa 640 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P4.5M noong nagdaang lingo.

Ayon sa pahayag ng Customs, nabisto ng kanilang mga examiner ang nasabing iligal na droga habang sinusuri ang hindi nakuhang DHL cargo para sana ma-dispose na ang mga inabandonang kargamento sa kanilang warehouse.

Saad sa record, nanggaling ang shabu mula Las Vegas, Nevada, na ipapadala sa isang residente mula Hagonoy, kung saan kinubli ang iligal na droga bilang ‘toy/present’.

Nang simulan ng Customs ang physical examination ay nakita ang ilang tsokolate, stuffed toy, tsinelas, at dalawang lata ng chocolate wafer kung saan tumambad ang tinagong shabu nang kanilang buksan.

Kaagad namang pinagbigay alam sa Philippine Drug Enforcement Agency ang nasamsam na droga para makasuhan ang mga nagpasok ng iligal na droga ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 alinsunod sa Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Leave A Reply

Your email address will not be published.