Una sa Balita

P4.1T budget ikinasa para sa 2020

0 322

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang gabinete ang 4.1 tril­yong pisong panukalang budget para sa 2020.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang panukalang budget ay inaprubahan sa katatapos na cabinet meeting sa Malacañang Lunes nang gabi, at inaasa­hang isusumite sa Kongreso sa susunod na mga araw.

Ayon kay Panelo, ang mungkahing panukalang budget ay binalangkas batay sa kung ano ang mas kailangan ng mayorya ng mga Pili­pino at kung ano ang nakitang kakulangan pa ng administrasyon na kailangang maibigay na mag-aangat hindi lang sa ekonomiya ng bansa kundi mag-aangat din sa kalidad ng buhay ng bawat mamamayan.

“This budget proposal is designed to respond to the need of the majority of our countrymen longing to be uprooted from the decades of: want to basic necessities, inadequate supply of basic services, lack of infrastructures required to spur economic growth and many more,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na pinakamalaking bahagi ng panukalang budget sa susunod na taon ay mapupunta sa Department of Education, susundan ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pangatlo sa pinakamalaking pinaglaanan ng 2020 proposed national budget ay ang Department of Transportation at pang-apat ang Department of Health. (Aileen ­Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy