Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P3M sinuwitik ng mag-asawa sa bangko

0 138

Nalambat ng mga tauhan ng Anti-Fraud Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-asawa nang halos umabot sa kabuuang P3 milyon ang nakulimbat nila sa pangungutang sa mga bangko.

Patong-patong na mga kasong estafa, falsification of public documents, paglabag sa anti-alias law at illegal possession of firearms ang haharapin ng mag-asawang sina Evergreen Ignacio Quitoles at Joan Quitoles, batay sa “24 Oras” report.

Ani NBI Anti-Fraud Chief Atty. Palmer Mallari, modus ng mag-asawang Quitoles na mag-loan sa mga bangko gamit ang mga pekeng dokumento tulad ng certificate of employment at edited na ID.

Sinamantala umano ng mga suspek ang lockdown kung saan hindi maaaring lumabas ang mga tauhan ng bangko para makapagsagawa ng in-person credit investigation.

Tumatawag na lang ang mga credit investigator sa gawa-gawang kompanya ng mag-asawa na ang mga ito rin ang sumasagot sa ibinigay nilang telephone number sa mga bangko.

Nakumpiska sa mga suspek ang P400,000; pekeng mga ID, cellphone na gamit nila sa modus at isang hindi rehistradong baril. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.