Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P3M shabu sa maleta nasilat

0 112

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs Port of Clark ang P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Pampanga.

Batay sa ulat, isang maleta na naglalaman ng iligal na droga ang dumating nitong Martes.

Ayon sa pulisya bago ito nasabat ay nakatanggap umano sila ng report na may isang bagaheng paparating na naglalaman ng mga shabu mula South Africa.

Agad namang ininspeksyon at hinalughog ang maleta at doon na nakita ang 470 gramo ng shabu.

Idineklara pa umano itong mga damit na padala ang laman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.