Una sa Balita

P3M hinarurot ni Super Sonic

0 315

PINAGHARIAN kamakailan ni Super Sonic ang 47th PCSO Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pagmamay-ari ni Mayor Leonardo ‘Sandy’ Javier Jr., nakamit nito ang Gold Cup champion­ship title at ang P3 milyong premyo mula sa PCSO.

Walong matutuling kabayo ang nagpabilisan sa naturang 2,000-meter race.
Ang champion colt ay pinatungan ni Jockey JB Guce at ineensayo ni Ruben Tupas.

Natanggap din ni Javier ang special custom-made Gold Cup trophy at dagdag na P200,000 breeder incentive.

Pangalawa si Pa­nga­lusian Island (P1,000,000); third si Sepfourteen (P500,000) at pang-apat si Princess Eowyn (P300,000).

Magbibigay pa ng additional P1 ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa kampeon.

Namuno sa awarding ceremony sina PCSO General Manager Colonel Royina Marzan Garma; Philracom Chairman Andrew A. Sanchez at MJC Racing Manager Jose Ramon Magboo.

Nagsilbing host ang Manila Jockey Club, Inc. (MJC), ang nangungunang horse racing club sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More