Una sa Balita

P3M float ni Catriona nagkaaberya

0 804

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyAabot sa P3 milyon ang dapat sana ay gagastusin sa homecoming float ni Miss Universe 2018 Cat­riona Gray sa pagparada niya sa Manila, QC at Pasay ngayong February. Pero dahil hindi na natuloy ang deal ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) kay Rico Robles Ancheta, ang President at head ng Ar­tists Concept Events Sty­ling, hindi na masasak­yan ni Catriona ang P3 milyong worth na float.

Si Rico ang award-winning stage and production designer sa live stage entertainment industry, na may pakana sa maraming stage designs ng mga naunang concert ni Sarah Gero­nimo at designer rin ng mga awards night gaya ng Guillermo Mendoza Memorial Awards.

Ayon sa kuwento ni Rico, hindi nagkasundo ang BPCI at ang kanyang sponsor sa ilang mga detalye ng usapan sa float. Nagkaroon uli ng isa pang deal, pero hindi na ito naisara pa dahil sa pag-aalala ng BPCI na baka hindi na kayanin sa deadline na itinakda.

Ipinakita sa amin ni Rico ang proposed design ng dalawang float at naloka kami sa ganda, lalo at inspired ito sa lahat ng mga elementong nagpanalo kay Catriona.

Nakaka-wow ang design ng float ni Catriona, lalo at nakabalandra sa concept ng design ang Pilipinas.

Anyway, nanghina­yang man si Rico sa deal naniniwala naman siyang magiging maganda pa rin ang parada ni Cat­riona at ng designer ng kanyang dalawang float.

Pokwang nang-inggit, super lambingan kay Lee

Lumalaban ang relas­yon nina Pokwang at ng American actor na si Lee O’Brian. Naka-post sa Instagram wall ni Pokwang ang ilang mga la­rawan nila ni Lee, bilang pagpapakita ng kanilang matibay na pagsasama.

Ang intensyon ng post na ito ni Pokwang na pawang mga lambingan ay para ipangalandakan ang kanilang anniversary. Umabot na sa apat na taon ang itinakbo ng kanilang pagmamahalan.

“Happy 4 years my love my papang @leeobrian,” caption ni Pokwang.

Bilang pagpapahayag ng kanyang kasiyahan sa apat na taon nilang pagmamahalan ni Pokwang, nag-post din si Lee sa kanyang IG wall ng larawan nilang dalawa ng komedyana.

“Happy 4 year Anniversary, pangga ko Mamang @itspokwang27 !!! Mahal na mahal kita babe! #Mamang #PanggaKo #4yearsAnniversary,” caption naman ni Lee.

Marami ang nanlait kay Pokwang sa mga unang taon ng relasyon nila ni Lee, dahil sa malaking diperensya ng hitsura nila. Pero pinatunayan ni Pokwang na “inggit” lang ang naram­daman ng mga basher niya, at umabot nga sila ng apat na taon ni Lee, at biniyayaan pa sila ng isang magandang baby, si Malia.

Luis pinupog ng halik ang mukha ni Jessy

Nalulunod na naman sa pag-ibig si Luis Manzano, at hindi nga niya naiwasan ang mag-post uli ng mga photo nila ni Jessy Mendiola na kuha sa iba’t ibang travel at ocean adventures nila.

Sa isang larawan makikita kung paano panggigilan ni Luis si Jessy na halos malamutak ang mukha nito sa paghalik ng binata.

Ang ibang mga photo ay nagpapakita ng pagiging sweet nila. Ang iba ay ang mga extreme adventures na ginawa nila gaya ng skydiving, scuba di­ving.

Walang okasyon na isini-celeb­rate ang dala­wa. Umapaw lang sa puso ni Luis ang nararamdamang pag-ibig kay Jessy kaya kinati itong mag-post ng mga larawan nila.

“To the lady I can dive with, jump out of a plane with, travel with, attend balls with, piggy back in freezing wea­ther with, eat out with, and make lam­bing with..wala lang, just making you lam­bing howhow @senorita_jessy. Howhow you,” sabi ni Luis.