P38.57M TAX VS CHARD

By ,

Sinampahan ng P38.57 milyon tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang aktor na si Richard Gutierrez.

Ayon sa reklamo ng BIR sa DOJ, hindi umano binayaran ng aktor at ng kanyang production company ang nabanggit na halaga ng buwis.

Nabatid na si Gut­ierrez at ang kanyang R Gutz Production Corporation, kung saan siya ang tumatayong president, ay nabigong makapagsumite ng income tax returns (ITR) at makapagbayad ng buwis mula sa kita ng kumpanya noong 2012.

Kasama na umano sa P38 milyon ang surchar­ges at value added tax.

Sinabi ng BIR na ipinadala na nila ang resulta ng kanilang findings noong 2013 at dalawang beses ulit na ngayong taon pero hindi umano ito tinutugon ni Gutierrez.

“As a consequence of their acts and omissions, R Gutz and its president, Richard Gutierrez, were assessed an estimated aggregate deficiency tax liability for taxable year 2012 in total amount of P38.57 million,” ayon sa ahensya.

Tinawag naman ng ina ng aktor na si Annabelle Rama na harassment ang tax evasion case at kaya umanong patunayan ng kanyang anak na nagbabayad ng tamang buwis ang kumpanya nito.

SHARE