Una sa Balita

P36M sinolo ng Lotto 6/42 bettor sa Davao

0 432

NASOLO ng nag-iisang lotto bettor mula sa Davao del Norte ang P36 milyon sa 6/42 jackpot prize, ayon sa Philippine Charity­ Sweepstake Office (PCSO) nitong Biyernes.­

Ayon kay PCSO Ge­neral Manager Ro­yina Marzan-Garma ang masuwerteng bettor ay hinulaan lamang ang mga nanalong numero na may kombinasyon na 15-27-36-08-41-11 na may jackpot prize na P36,652,592.40.

Tinayaan umano ng bettor ang kanyang ticket sa isang lotto outlet sa Tagum City.

Para makuha ng nanalong bettor ang kanyang premyo, kinakailangan na magpunta siya sa PCSO main office sa Mandaluyong City at dalhin ang winning ticket at dalawang valid ID.

Samantala, may 25 bettor naman na nakakuha ng 5 digit na nanalo ng kombinasyon ay tatanggap ng tig-P25,000 consolation prize.

Hinimok ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga produkto ng PCSO dahil malaking bahagi ng kita nito ay napupunta sa charity.­ (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More