Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P36M 6/42 lotto jackpot kinopo ng Cebuano

0 135

Napanalunan ng isang mananaya mula sa Cebu ang mahigit P36 milyong jackpot prize sa Regular Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa abiso kahapon ni PCSO General Manager Royina Garma, nakuha ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 10-06-02-09-18-29 na may katumbas na jackpot prize na P36,829,296.20.

Nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Samboan, Cebu.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Garma ang lucky bettor na para makubra ang kanyang panalo ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang valid IDs. (Edwin Balasa/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.