Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P340K shabu nasamsam, 2 timbog

0 43

Dalawang katao ang nadakip ng awtoridad makaraang makumpiskahan ng shabu na nagkakahalagang P340,000 sa ikinasang buy-bust operation sa Balagtas, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe ang mga naarestong sina Maisah Parampatan alyas ‘Alex,’ residente ng Baclaran, Manila at ang drug dealer na si Alinor Losain na nakatira sa Barangay Borol 1st sa nasabing bayan.

Base sa ulat ng pulis­ya, alas-12:15 ng madaling-araw nang magsagawa ang Bulacan Provincial Intelligence Unit ng anti-illegal drug operation sa naturang barangay, kung saan nakabili ang mga umaktong poseur-buyer sa dalawang suspek ng isang plastic sachet ng shabu.

Dito na inaresto ang dalawa. Nakuha sa kanilang posesyon ang 41 pakete ng shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 50 gramo at may street value na P340,000 bukod pa sa narekober na buy-bust money.

Ang mga suspek ay kapwa nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Jun Borlongan)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.