Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P33B sa PITC pinababawi kay Duterte

0 271

Gumawa na ng hakbang ang Department of Finance (DOF) na ibalik sa kaban ng bayan ang P33.4 bilyon nakagarahe sa Philippine International Trading Corporation (PITC).

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon base sa kopya ng liham na pinadala nina Finance Secretary Carlos Dominguez kay Budget Secretary Wendel Avisado.

Sa liham na may petsang Nobyembre 25, inatasan ni Dominguez si Avisado na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-isyu ng direktiba para sa agarang pagbalik ng naturang pondo sa national treasury.

“[W]e would like to request for the endorsement to the President by the Department of Budget and Management (DBM) for the return to the Bureau of the Treasury (BTr) of the various fund transfers to PITC by certain government agencies, pursuant to DBM’s guidelines on the matter,” ayon sa liham.

Si Drilon ang naunang nagkuwestiyon sa P33 bilyong nakagarahe sa bank account ng PITC.

Aniya, sa kasalukuyan ay umabot na sa sa P32.6 bilyon ang nasa kamay ng PITC.

Bukod kay Drilon, ilang senador rin ang nanawagan na ibalik ang nasabing halaga sa kaban ng bayan.

“I am glad that the DOF listens and swiftly acts on issues we raised concerning this huge sum of money parked in the PITC. These funds will go a long way,” sabi ni Drilon,

Binanggit ng minority leader na P73.2 bilyon ang kakailanganing halaga para makabili ng COVID0-19 vaccine para sa Pilipinas.

“With the return of this P33.3 billion, we now have half of the P73.2 billion needed for the procurement of COVID-19 vaccines,” ayon kay Drilon.

Nauna nang sinabi ni Drilon na ginagawang imbakan ang PITC ng mga government agency para iwasan ang obligasyon na ibalik ang hindi nagastos na pondo sa kabayan ng bayan.

Sabi pa nito, ang pinakamaliit na fund transfer sa PITC ay P15,000 habang P7 bilyon naman ang pinakamalaki.

“It is clear that PITC wants to keep the money in bank accounts. No amount of denial and excuses can explain this. This is shady, devious, and criminal,” ani Drilon.

“The alibi that there are no suppliers will not apply here. Where in the world you cannot buy coats and ties, tires, boots, desktop computers?” dagdag pa nito.

Ang tinutukoy nitong item na dapat sana’y pinabibili ng Philippine Army noong 2007 subalit hindi pa nai-deliver hanggang ngayon.

“No excuses, just return the money,” ayon pa kay Drilon. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.