Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P31M lotto jackpot nasungkit ng taga-Antipolo

0 165

Solong napanalunan ng isang mananaya mula sa Antipolo City ang mahigit sa P31 milyon jackpot prize sa Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Base sa ipinalabas na abiso ng PCSO kahapon, nakuha ng masuwerteng mananaya ang anim na nanalong numero na kinabibilangan ng 25-41-35-39-14-26 na mayroong kabuuang premyong P31,209,194.

Nabili ang winning ticket sa isang outlet sa Antipolo City saad pa sa advisory ng PCSO.

Upang makubra ang napanalunann premyo, sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na kinakailangang magtungo ang mananaya sa punong tanggapan ng ahensiya sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang winning ticket, gayundin ang kanyang dalawang valid ID. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.