Una sa Balita

P316M gastos sa maluhong seminar kinunsinti ng DepEd

0 244

Ipinagtanggol ng Department of Education (DepEd) ang higit P300 milyon­ na ginastos sa mga out of town training­ matapos itong sitahin ng Commission on Audit (COA) na masyadong maluho.

Sa 2018 annual audit report ng COA, kinuwestiyon nila ang P316.62 milyong ginastos ng DepEd sa mga out of town training sa mga ‘lavish resorts and tourist spot locations.’

Pinaliwanag ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na wala pa sa kalingkingan ng kabuuang budget­ ng DepEd ang kinukuwestiyong gastos dahil wala pa umano ito sa 1 percent ng P4 bilyong budget para sa training.

Dahil halos 1 milyon ang personnel ng DepEd, malaki rin aniya ang nagagastos sa mga training ng mga guro.

Tiniyak din niya na hindi lumalampas sa P2,000 kada araw ang budget ng bawat isang kasama sa training.

Ang P4 bilyong budget aniya sa training ay sumasakop sa 47,000 eskuwelahan, 223 school division at 16 rehiyon sa buong kapuluan.

Maaari naman umanong limitahan ang training ng mga matataas na opis­yal, pero sa level ng mga guro ay kailangang tuloy-tuloy ito.

Idinagdag pa ni Sevilla na hindi maiiwasan ang training ng mga guro dahil para na rin ito sa ikabubuti ng kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy