Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P30M lotto jackpot nasolo ng taga-Bataan

0 58

NAPANALUNAN ng isang mananaya mula sa Abucay, Bataan ang P29.7 milyon premyo sa Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Sabado ng gabi.

Sa abiso kahapon ni PCSO General Manager Royina Garma, nakuha ng nag-iisang mananaya ang winning number na 13-01-50-10-51-54 na may jackpot na P29.7 milyon.

Samantala, dalawang mananaya naman ang nanalo ng tig-P100,000 matapos makuha ang lima sa anim na winning numbers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mayroon namang 279 ang nanalo ng tig-P1,500 matapos makuha ang apat sa anim na winning combinations.

Upang makolekta ang napanalunang tseke, sinabi ni Garma na magtungo ang mananaya sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala ng dalawang valid ID at ang pinakaimportante ay ang winning ticket.

Panawagan naman ni Garma sa publiko na patuloy na tangkilikin ang mga laro ng PCSO upang makakuha ng karagda-
gang pondo para pantulong medical sa mga mahihirap nating kababayan.(Edwin Balasa/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.