Una sa Balita

P3/kg safeguard duty sa imported ceramic tiles, sisingilin ng customs

0 252

MANININGIL na ang Bureau of Customs (BOC) ng provisional safeguard duty na P3 kada kilo ng imported ceramic floor at wall tiles.

Ang inilabas na Customs Memorandum Order (CMO-28-2019) ay alinsunod sa ipinapatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) na safeguard duty sa mga ceramic floor at wall tiles mula sa ibang bansa.

Ayon sa pahayag ng bureau, ang duty ay maaaring sa anyo ng cash bond at ipapataw ang hala­gang P3 kada kilo ng imported na ceramic tiles.

Sinabi pa ng ahensya na ipapatupad ang provisional safeguard duty sa loob ng 200 araw lamang at dapat na ipatupad sa specific tariff headings na nakasaad sa CMO 28-2019.

Una nang sinabi ng Philippine Ceramic Products Importers Association Inc. na ang murang tiles ay ginagamit sa mga low-cost housing na maaaring tumaas ang presyo hanggang P33 kada piraso sa sandaling ganap na maipatupad ang safeguard duty sa mga ceramic floor at wall tiles.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Napoleon Co ng Philippine Cera­mic Products Importers Association Inc. na magiging pahirap sa mga developer sa bansa ang P3 kada kilo na safeguard duty sa nasabing mga tiles. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy