Una sa Balita

P3 bilyong lugi sa pananim, palaisdaan

0 273

Umaabot na sa P3 bilyon ang nasira at nalugi sa mga magsasaka’t mangingisda sa Calabarzon dala ng pagputok ng Bulkang Taal noong Linggo, Enero 12.

“At present, damage and losses have reached Php3.06 billion,” sabi ng Department of Agriculture (DA) kahapon.

Sabi ng DA, 15,790 ektarya ng lupa na tinaniman ng kape, cacao, pinya, palay, niyog, at iba pang mga prutas at gulay ang nasalanta at 1,923 na alagang mga hayop na rin ang nawala.

Sabi ng DA, nagba-validate pa ng datos ang tanggapan nito sa Calabarzon tungkol sa da­mage at losses pati na ang Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR) na nauna nang nagsabing mahigit 15,000 toneladang isda sa Lawa ng Taal ang maituturing nang nalugi.

Nauna nang nagbabala ang BFAR na magkaka-fish kill sa Taal dahil sa sulfur o asupre na ibinulwak ng bulkan. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More