Una sa Balita

P3.5M premyo sa Roligon 

0 463

ILULUNSAD ng Roligon Mega Cockpit, pinakama­laking sabungan sa Metro Manila, ang “RMC 29th Anniversary 5-Cock Derby” umpisa Feb. 7 taya ang P3.5 milyon.

Anim na araw ang elims (3-cock) sa Feb. 7, 14, 21, 28, Mar. 7 at 14 (P100,000 bawat araw sa three pointers).

Ang 2-cock finals: Mar. 21 (1, 1.5, 2 at 2.5 points may bonus na P300,000 sa day champions) at Mar. 28 (3 points).

Itinakda ang entry fee sa P11,000 at minimum bet, P5,500. Para sa champion handler ang P70,000 at champion gaffer, P30,000.

Sa mga nagpasok na ng dalawang entries sa elims, P5,500 na lang entry fee sa ikatlo.

Si Roligon CEO Dennis Ligon ang host at may suporta ng Team Roligon (Tiling Capitan at Shirley).

Sa detalye: 519-7345 (Roligon office), 0920-9509090 (Shirley) at 0926-7134069 (Tiling). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy