Una sa Balita

P3.5B sa Dengvaxia vaccine dapat ibalik ng Sanofi – Pimentel

By
Aquilino ‘Koko’ Pimentel III
0 2,461

Iginiit ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa Department of Health (DOH) ang pag-demand para sa full refund sa buong P3.5 bilyon na kontrata sa Dengvaxia vaccine.

Ito ay kasunod ng pahayag ng DOH na nagpalabas na sila ng demand letter sa Sanofi Pasteur para i-refund ang P1.4 bilyon na ha­laga ng mga bakunang hindi pa rin nagagamit.

“All the vaccines were defective from the very beginning. Therefore, under our laws, we should demand the whole P3.5 billion we paid them and not just part of it,” giit ni Pimentel.

Ipinaliwanag ni ­Pimentel na nakasaad sa Civil Code na ang mga nabiling depek­tibong produkto ay maa­aring palitan o i-refund.