Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P3.4M shabu nasabat sa mall parking

0 113

Tinatayang nasa P3.4 milyong piso ang halaga ng shabu ang narekober sa dalawang hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Aliakbar Pangandamun at Halil Hamal, pawang nasa wastong edad.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng pulisya, ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang magkasa ng operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A-Cavite sa parking lot ng isang kilalang mall na nagresulta sa pagkakaareso sa mga suspek.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu o katumbas ng kalahating kilo.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at walang kaukulang piyansa sa kanila. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.