Una sa Balita

P3.35T budget sa 2017 aprub na

By
0 6

Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para maging ganap na batas ang P3.35 trilyong pambansang budget para sa taong 2017 matapos na ratipikahan ng Senado ang bicameral conference report.

Ang pinagtibay na panukalang budget ay alinsunod sa 10-point socioeconomic agenda ng administrasyon ni Pangulong Duterte, ayon kay Senador Loren Legarda, chair ng Senate committee on finance.

“This is a pro-people budget – one that will be felt by those at the grassroots as it prioritizes rural development and social services,” paliwanag ni Legarda.

Nanawagan naman ang senadora sa mga ahensya ng gobyerno na gamitin ng tama ang pondong inaprubahan ng Senado.

“I urge agencies of government to spend these resources well and address the challenges that lead to underspending or low absorptive capacity,” ani Legarda.

Sa isinagawang botohan sa panukalang budget, 17 senador ang bumoto sa pagpapatibay nito habang kontra naman sina Senador Panfilo Lacson at Sherwin Gatchalian at abstain naman si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto.

Kontra si Lacson dahil hindi umano “pork free” ang P3.35 trilyong budget ng pamahalaan sa susunod na taon, kahit na ipinagbawal na ng Supreme Court (SC) ang pork barrel fund nang ideklara nilang labag sa Konstitusyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF).