Una sa Balita

P2P UV Express sinuspinde ng LTFRB

0 243

SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa loob ng dalawang linggo ang implementasyon ng memo circular na nag-oobliga sa mga UV Express na gawing point-to-point (P2P) ang kanilang biyahe.

“It will be suspended for two weeks to give way to stakeholder consultations. A formal advisory shall be issued by the LTFRB on this matter as soon as possible,” ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communication Goddes Hope Libiran.

Sa public hearing ng House committee on metro manila development noong nakaraang Huwebes, inireklamo ng iba’t ibang transport group ang Memo Circular 2019-025 ng LTFRB dahil hindi man lang daw sila kinonsulta dito.

Hiniling din ng mga transport group sa LTFRB na magtakda ng mga designa­ted pickup at drop-off point sa pagitan ng origin at destinasyon ng mga UV Express upang sa gayon ay hindi magkaroon ng karagdagang gastos ang mga pasahero.

Ang memo na inisyu noong Mayo 15, ay pirmado nina LTFRB Chairman Martin Delgra III, Corpus at Antonio Gardiola bilang mga board member.
Sa nasabing memo, ang lalabag sa policy ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang­ offense at P10,000 sa ikalawang offense.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy