Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P2M shabu, boga, bala nakalawit sa mag-aama

0 58

Timbog ang limang katao – kabilang ang isang ama at tatlo nitong anak – matapos makumpiskahan ng mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu pati mga baril at bala sa buy-bust operation sa Trece Martires City, Cavite noong Sabado.

Sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code ang mga suspek na sina Mobarak Batao, 58-anyos; at mga anak na sina Kadir, 26; Hakim, 24; at Mobarak, 22, mga residente ng Block 31, Lot 21, Beverly Homes, Phase 1, Trece Martires, Cavite at kapitbahay nilang si Cosain Bangon, 66-anyos.

Ikinasa ng pinagsamang puwersa ng SOU 4A, PNP DEG bilang lead unit at Trece Martires CPS ang buy-bust operation sa harap ng Block 31, Lot 21 Canon St., Beverly Homes, Phase 1 sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City ganap na alas-9:05 ng gabi.

Dinakma ang mga ito matapos makaiskor sa kanila ng umano’y shabu ang isang pulis na umaktong buyer. Nasamsam sa kanila ng mga awtoridad ang tinatayang 300 gramo ng hinihinalang ilegal na droga na may street value na P2,040,000; dalawang cal. 45 na kargado ng magazine at anim na bala ang isa, 30 piraso ng bala ng 5.56 MM; siyam na empty short steel magazine; 75 bala para sa cal. 45, isang metal silencer ng bala; iba’t ibang ID, digital weighing scale, limang piraso ng magkakaibang modelo ng cellphone at pulang Hyundai na may plakang AOA 5668.

Kaanak umano ng mga Batao ang pinatay na pulis sa Dasmariñas City noong Disyembre 2020 na si P/SSg. Roseman Batao. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.