Una sa Balita

P2M reward sa makakadakip sa Davao bombing perpetrators

0 2

Para sa mabilisang pagresolba sa nangyaring pagsabog sa lungsod ng Davao noong Biyernes ng gabi, naglaan si Davao City Mayor Sara Duterte ng P2 milyong reward sa sino mang makakapagbigay sa impormasyon sa likod ng insidente.

“P2 milyong rewards ang ibibigay: isang milyon sa makakabigay ng information sa nangyaring pagsabog: pangalan ng tao at kung nasaan ang taong ito bilang suspek. One milyon din kapag binigay ninyo sa amin, posasan ninyo at i-deliver sa Davao City police office o tawagan ninyo kami para mahuli namin siya,” ayon pa sa alkalde, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, nitong Lunes.

Nilinaw pa ng alkalde na dapat buhay na makarating sa kanila ang suspek upang malaman kung sino ang mga kasama nito at dahilan kung bakit ginawa ang pagsabog.