Una sa Balita

P2M droga isinilid sa paper bag

0 380

Nagbunga ang week-long surveillance operation ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Marilao Police makaraang kumagat sa buy-bust ope­ration ang target nilang dalawang bigtime shabu pusher at makumpiska­han ng mahigit P2 milyong halaga ng shabu na nakalagay sa pangregalong paper bag sa Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan, Huwebes nang gabi.

Sa report ni P/Lt. Col. Amado Mendoza Jr, Chief of Police ng Marilao Police Station, nakilala ang dalawang suspek na sina Ri­chard Bolo y Bangayan, 36-anyos, at Ruther Morales, 34, na kabilang sa drug watchlist ng PNP.

Ang dalawa ang sinasabing pinagmumulan ng shabu sa nasabing lugar at kalapit siyudad at ba­yan. Nakumpiska sa mga ito ang mahigit 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P2 mil­yon na nakalagay sa paper bag.
Nakapiit ngayon ang dalawa na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy