Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P2B kada buwan sa PhilHealth kinokorap -PACC

0 442

Maliit kung tutuusin ang lumabas sa Senado na P2 bilyong bayad sa IP at P114 million halaga ng laptop kaugnay sa katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung ikumpara ang P2 bilyong lumalabas sa ahensiya kada buwan na napupunta sa korapsiyon.

Ito ang pahayag ni Presidential Anti-Corruption Commisison (PACC) Commissioner Greco Belgica sa panayam sa ANC.

Dagdag ni Belgica malaking pondo ang nawala sa pondo ng Philhealth simula noong 2013 na umaabot aniya sa P154 billion.
“There is an obvious flow in the system , in his IP system saka yung legal department. That is obvious, yan ang puno’t dulo at pundasyon ng lahat ng korapsiyon diyan sa Philhealth ,eh nakakalusot ang mga fraudulent claims is yung IP,”dagdag ni Belgica.

Binanggit din ng opisyal na isasampa na ng PACC sa susunod na linggo ang reklamong katiwalian laban sa 36 opisyal ng PhilHealth. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.