Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P270M, manager naglaho sa EastWest Bank

0 344

Isiniwalat ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran na inireklamo ng isang negosyanteng depositor ang EastWest Bank matapos na mawalan ng malaking halaga ng pera.

Ayon sa reklamo ng hindi pinangalanang negosyante bigla na lamang umanong naglaho ang ₱270 milyon niyang pera sa kanyang account na nakadeposito sa isang sangay ng naturang banko.

Nalaman umano ang pagkawala ng pera noong Nobyembre nakaraang taon nang i-check nito ang nakadepositong pera at lumitaw na mayroong mga withdrawal na iba-ibang halaga.

Hindi na rin umano mahagilap ang bank manager ng bangko na katransaksyon ng negosante gayundin ang pamilya nito .

“Nag- check siya noong November dun lang niya na-discover na nawala na at nasimot na yung pera ..Nung nagreklamo siya wala man lamang in- house investigation at noong i-check nila wala na daw yung manager pati yung buong pamilya,”ayon kay Taduran.

Dagdag pa ni Taduran, “Nakakapagtaka na meron naman tayong anti- Money Laundering Law na nakalagay dun na dapat kapag may ₱5 milyon withdrawal ay dapat magtataka ka na at medyo red flag na yun sa kanila , pero bakit ito nakalusot”.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito na umano ang pangalawang pagkakataon na inireklamo ang bangko.

Kaugnay nito ay sinabi ng pamunuan ng EastWest Bank na inimbestigahan na nito ang kaso.

Gayunman ay hindi tinukoy ng bangko ang kabuuang halaga dahil confidential umano ito.

“We have been in touch with the two affected depositors. They have been informed that an internal investigation is ongoing and that we will credit back to their account the amount taken,” ayon sa inilabas na statment ng bangko.

Idinagdag rin ni Taduran ng hingan ng kumpirmasyon sa nasabing kaso na kinakalkal na rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pangyayari.

“ The issue has been forwarded to the BSP for investigation and the bank involved has likewise called and coordinating with both the complainant and the BSP,”tugon ni Taduran sa Abante. (Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.