Una sa Balita

P25M jackpot ng Super Lotto 6/49, tinamaan sa Marikina City

0 470

NASUNGKIT ng mananaya mula sa Marikina City ang jackpot ng Super Lotto 6/49 kamakalawa nang gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tumatagingting na P25,226,907 ang napanalunan ng suwerteng mananaya matapos nitong tamaan ang winning combination na 42-08-14-24-29-13.

Ayon sa PCSO, tumaya ang bettor sa lotto outlet sa SSS Village, Brgy. Concepcion Dos ng nasabing lungsod.

Mayroon din 19 na mananaya ang nakakuha ng 5 winning combination na nabigyan ng consolation price na P32,500 bawat isa. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy