Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P250M taklobo buking ng PCG

0 64

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may P250 milyong halaga ng mga taklobo sa isang operasyon sa Palawan.

Ayon sa PCG, ang mga taklobo o fossilized giant clam shells ay may timbang na 150 tonelada.

Nabatid na naging katuwang ng PCG sa kanilang operasyon ang PNP-Maritime Group sa pagsalakay sa King’s Paradise Island Resort sa Barangay Panitian, Sofronio Española sa Palawan nitong Hunyo 28.

Nalaman na isa sa apat na mga suspek ang naaresto ng PCG. Nakilala siyang si Eulogio Togonon, habang nakatakas naman ang tatlo.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act si Togonon sa Palawan Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.