Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P24M ni Tom kaduda-duda

0 968

Kung maraming nagtataas ng kilay sa mga rebelasyon ni Carla Abellana laban sa nakahiwalay niyang asawang si Tom Rodriguez ay ganu’n din ang nangyayari ngayon sa poder ng aktor.

Napakalaking tandang-pananong para sa marami ang kanyang pahayag na isang kaibigan ang nanloko sa kanya nang mahigit na dalawampung milyong piso.

Naengganyo raw si Tom na mamuhunan para sa isang negosyo, malaki raw ang kanyang kikitain, kesa sa nakalagak lang sa banko ang kanyang pera.

Dalawampu’t apat na milyong piso ang eksaktong halagang tinutukoy ni Tom, napakalaking halaga na pinagdududahan ngayon maging ng kanyang mga kasamahang artista, meron daw bang ganu’n kalaking naipon ang aktor?

Ibinigay na katwiran ng iba na katatapos pa lang nilang magpakasal ni Carla nu’ng Oktubre ng nakaraang taon. Milyon din ang ginastos sa kanilang kasal. Napakalaki raw pala ng naiipong pera ni Tom?

Sabi ng aming kausap na propesor na hindi nagpapahuli sa mga kuwentong-showbiz, “Kahit pala may pandemya, napakalaki ng naiipong pera ni Tom? Hindi joke ang twenty four million!

“E, ikinasal pa sila ni Carla, paboloso ang kanilang wedding, pero may natira pa pala siyang ganu’n kalaking halaga?” nagtatanong ang aming kausap.

Bakit daw hindi pangalanan ni Tom ang kaibigang nanloko sa kanya? Bakit hindi rin niya kasuhan ito? Sigurado namang may ebidensiya si Tom nang pakawalan niya ang napakalaking halagang ‘yun?

Alangan nga namang ipinagkatiwala niya ang naiipon niyang pera nang wala man lang silang pirmahan? Ang ganu’n kalaking halaga ay nangangailangan ng kaukulang ebidensiya.

Maraming butas na sinisilip ang marami sa mga rebelasyon nina Carla at Tom. Kung walang mga detalye ang bintang ng aktres sa kanyang dating mister ay pinagdududahan naman ang milyones ni Tom na diumano’y tinangay ng pinagkatiwalaan niyang kaibigan.

Marami silang dapat iayos para maging kapani-paniwala ang kanilang mga pahayag.

Dahil sa ‘pamamakla’? Jeric ‘burado’ na kay Rabiya

Tinanggal na ni Rabiya Mateo ang mga pictures nila ni Jeric Gonzales sa kanyang IG account. Makahulugan din ang kanyang post na kailangan niyang manghingi ng tawad sa kanyang sarili dahil sa isang senaryong hindi niya dapat ginawa para sa kanyang sarili.

Isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang nagsabi na ang dahilan ng paglabas ni Rabiya sa kanilang relasyon ni Jeric ay ang maraming kuwento ng pagpatol sa beki ng aktor.

Sabi nito, “Wala namang babaeng papayag na meron siyang kahati sa love ng boyfriend niya, lalo na kung bading! Ang dami-dami naman kasing kuwento ng pamamakla ni Jeric, ang latest, e, ‘yung may kahalikan siyang beki na tinakpan ang face!”

Sa isyu ng pakikipagrelasyon sa beki ni Jeric ay kakapusin ang espasyo ng kolum naming ito kapag nagkuwento kami. Itigil na ni Jeric ang pagdedenay at pagsasabing sinisiraan lang ito.

Hindi lang kami, maraming nakakaalam kung paano nito ginamit ang isang negosyante para sa kanyang personal na interes, damay pati ang kanyang pamilya sa istorya.

Pagdepensa ng kanyang panig ay ginawa lang daw ni Jeric ang ganu’n para maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Maraming paraan para magawa ‘yun ni Jeric.

Hindi dahilan ang panggagamit sa beki, lalong hindi magandang tingnan na aabusuhin nito ang beki para sa kaginhawahan ng kanyang pamilya, kapit sa patalim?

Kahit sinong babae, kapag nalaman ang ganu’n, ay siguradong lalabas sa relasyon. Ngayon, kung talagang pinahahalagahan at mahal ni Jeric ang kanyang girlfriend, sa simula pa lang dapat ay buksan na nito ang kuwento ng kanyang pamamakla.

Kung mahal din ito ng babae ay ipipikit na lang nito ang kanyang mga mata tungkol sa nakaraan ng kanyang boyfriend.

Bakit, si Jeric Gonzales lang ba ang nakikipagrelasyon sa beki? Maraming artistang pumapasok sa ganu’ng relasyon pero hindi masyadong pinagpipistahan dahil simpleng magtrabaho ang iba.

Kilo-kilo lang ang hingi, hindi isang buong baka, kaya hindi masyadong napapansin ang pagiging manggagamit nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.