Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P24K kinupit, nilustay sa online sabong

0 273

Bistado ang isang company driver matapos itaya sa online sabong ang bahagi ng kanilang koleksyon noong Huwebes ng gabi sa Brgy. San Pascual, Talavera, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PLt. Col. Jackyll Bilibli sa tanggapan ni Mayor Nerivi Santos- Martinez, kinilala ang salarin na si Leovino Lina Berin, 43, residente ng Brgy. Bangad, Cabanatuan City.

Lumitaw sa imbestigasyon na galing Pangasinan si Berin at helper na si Jefferson Vargas Inantay, kapwa empleyado ng LILIII Pet Supplies Trading sa Cabanatuan, dala ang koleksyong aabot sa P79,000.

Dakong alas-7 ng gabi ay huminto umano ang dalawa sa isang restaurant sa Talavera, Nueva Ecija para maghapunan.

Doon umano kumuha ng P24,750 si Berin sa kanilang nakolekta para italpak sa ‘Pitmaster Live’ o e-sabong.

Agarang isinumbong ng helper ang pagkupit ni Berin sa kanilang amo na si Luciano Ilagan Llanillo, 28, kaya agad itong nagtungo sa lugar.

Humingi ng tulong si Llanillo sa Talavera Police Outpost 3 kaya naaresto si Berin na kinasuhan ng qualified theft. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.