Una sa Balita

P24B ‘yan ba’t ‘di hahabulin ng gov’t?

By ,
0 113

“It all boils down to greed. Greed for wealth, power and influence.”

Ito ang personal na tingin ni Cathy Binag, live-in partner ni Davao Rep. Antonio Floirendo, na dahilan ng sigalot sa pagitan ng dating matalik na magkaibigan na sina Floirendo at House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez.

Pero si Alvarez, nanindigan na para sa interes ng publiko at ng gobyerno ang kanyang aksyon lalo pa’t P24 bilyon umano ang pinag-uusapang revenue na diumano’y nawala sa kaban ng bayan dahil sa ‘disadvantageous’ na kontratang pinasok ng Bureau of Corrections (BuCor) at ng Tagum Development Corp. (TADECO) na pag-aari ni Floirendo.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ang nasabing halaga ay base sa estimates ng mga agri-businessmen at mga eksperto.

Ani Alvarez, may batayan para habulin ng pamahalaan ang TADECO dahil sa hindi patas na kontrata na pinasok nito sa BuCor.

“`Yun ang kaila­ngan niyang paliwanag at ‘yun ang subject ng a­king re­solusyon na finile sa Kongreso at ‘yun din ang isang cause of action na ginamit ko para sampahan siya ng kaso sa Ombudsman,” paliwanag ni Alvarez.

Sa isang statement naman na pinost sa kanyang FB page, ibinuga ni Binag ang kanyang panig at sinabing napakababaw naman kung ang away lamang nila ng girlfriend ni Alvarez ang ugat ng asunto.

Aniya, totoong nagkasagutan sila ng girlfriend ni Alvarez na si Jennifer Maliwanag Vicencio noong October 2, 2016 habang kapwa dumadalo sa Masskara Festival sa Bacolod City.

“I find it petty for some matured men to be burning bridges of friendship over a girls’ spat. Personally I know it’s deeper than what is being printed in the papers,” ani Binag.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy