Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P23M tsongki sinunog sa Kalinga

0 182

TINATAYANG P23 milyong halaga ng pananim na marijuana ang sinira at sinunog sa limang araw na operasyon ng mga otoridad sa bulubundukin ng Mt. Chumanchil, Luccong, Tinglayan, ayon sa Kalinga Police Provincial Office (KPPO).

Ayon kay KPPO director P/Col. Davy Limmong, binunot at sinunog ng mga otoridad ang mahigit P90,000 na mga fully grown marijuana mula sa 8,500 metro kuwadrado na taniman sa nasabing lugar.

Sinabi ng opisyal, dinatnan din nila sa lugar ang nasa 45 kilos ng mga tsongki na nakatakda nang iluwas.

Aniya, kinakailangang sumakay at maglakad ng lima hanggang pitong oras paakyat ng liblib na bundok bago marating ang naturang taniman.

Ang pagkakasamsam sa nasabing plantasyon ay bunga sa sumbong ng mga concerned citizen at nahirapan din ang mga pulisya na magsagawa ng monitoring gamit ang drone camera dahil mahamog ang naturang kabundukan.

Samantala, walang nahuling mga cultivators ang mga operatiba sa nasabing operasyon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.