Una sa Balita

P23.5B ‘pork’ nakakarga sa 2017 budget

By ,
0 5

Naglalaman ng P23.5 bilyong congressional funds para sa proyekto ng mga mambabatas sa Kamara sa kani-kanilang distrito ang P3.35 trilyong 2017 national budget na nakatakdang isumite ni Department of Budget and Management (DMB) Sec. Benjamin Diokno kay House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ngayong araw.

Gayunpaman, ayaw tawagin ng liderato ng Kamara na isa itong uri ng pork barrel na ipinagbawal na matapos ideklara ng Korte Suprema na ilegal nasabing pondo.

Sa isang panayam kay House appropriation committee chairman Karlo Nograles, kinumpirma nito na kasama sa isusumiteng national budget ang tig-P80 milyon ng mga mambabatas sa Kamara na tatawaging congressional allocation.

Sa ngayon ay umaabot sa Sa nasilip namang panukalang budget, wala umanong inilaan para sa drug rehabilitation program ng administrasyong Duterte.

Hiling tuloy ni Sen. Juan Edgardo Angara sa pamahalaan, lagyan ng pondo ang rehabilitasyon ng drug dependents sa 2017 proposed national budget.

“It is not enough that we have a budget for the ‘jail the pusher’ part. We must also fund the ‘save the user’ component of the anti-drug campaign,” giit ni Angara.