Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P22M shabu kinumpiska sa Bacolod

0 499

Kabuuang P22.228 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa iba’t ibang operasyon sa Bacolod City sa loob lang ng anim na buwan mula Enero 1 hanggang Hunyo 30 nitong taon.

Batay sa datos mula sa City Anti-Illegal Drugs Monitoring Center, katumbas ang halaga ng 3,268.88 gramo ng iligal na droga na narekober sa may 193 operasyon.

Nasa 300 katao naman ang naaresto sa mga nabanggit na operasyon kabilang ang 174 pushers, 119 users at pitong menor de edad habang isang drug personality ang napatay.

Isinagawa ang operasyon ng mga drug enforcement team ng Police Stations 1 hanggang 10 at mga tauhan ng City Drug Enforcement Team. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.