Una sa Balita

P22B nalulugi yearly sa off-shore gaming

By
0 256

NAALARMA si Senador Joel Villanueva sa laki ng halagang nawawala sa gobyerno dahil sa hindi pagbabayad ng buwis ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.

Dahil dito, suportado ni Villanueva ang panukalang i-account ang lahat ng dayuhang manggagawa na namamasukan sa POGOs upang matukoy ang dapat na buwis na nakokolekta sa mga ito.

Sa datos ng Department of Finance (DOF), nasa P22 billion kada taon ang nawawala sa kita ng gobyerno dahil sa kabiguang makolekta ang tamang buwis mula sa mga dayuhang POGO workers.

“If the DOF’s estimate is correct, then we have been losing a lot of badly needed revenue. This is disappointing, conside­ring that the agency res­ponsible for regulating gambling seems to be missing out a lot when it comes to overseeing the industry,” ani Villanueva na chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development.

Sinabi ni Villanueva na kung nais ng mga dayuhan na magtrabaho sa Pilipinas, dapat silang sumunod sa batas at magbayad ng tamang buwis at dapat na mayroong mga working permits at visa.

“At the moment, this budding industry generated employment, but not for our kababayans. Sino po ba dapat ang nakikinabang sa sitwasyon na ito? Dapat po tayong Pilipino ang nakikinabang,” diin ni Villanueva.

Sa pagtaya ng DOF, nasa 103,000 foreign workers ang nagta-trabaho sa 205 offshore gaming service providers at binabayaran ng P78,000 kada buwan o makukunan dapat ng P18,750 na income tax kada buwan.

Ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) anya ang dapat na mag-ayos ng mga hindi tugmang datos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy