Una sa Balita

P21 DAGDAG SAHOD SA NCR

By
0 256

Aprubado na wage board ang P21 daily wage increase sa P491 daily minimum wage na tinatanggap ng mahigit sa 6 milyong minimum-waged workers sa 17 siyudad at munisipalidad sa Metro Manila.

Dahil dito, simula sa Oktubre ng kasaluku­yang taon ay nasa P512 na ang arawang kita ng mga minimum wage sa Metro Manila.

Ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), barya lamang ang ibinigay na dagdag sahod sa mga manggagawa na malayo sa inihain nitong wage hike na P184 noong Hunyo 6 na mala­king tulong sana dahil sa tumataas na presyo ng pangunahing produkto at serbisyo sa bansa.

Giit ng nasabing labor group na dapat ay nasa P675 ang sahod ng mga manggagawa sa National Capital region (NCR).

Sinabi ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay na ang P21 dagdag sahod ay hindi pa rin makakasapat sa panga­ngailangan ng isang manggagawa.

“The P21 increase in daily wage remains insufficient for families to cope with rising prices of goods and increasing costs of goods. P21 is only 4.27% of the current P491. So it obviously did not lift workers out of poverty. Workers who helped built a high economic growth of 6.9% average Gross Domestic Product do not deserve this very small amount,” sabi ni Tanjusay.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More