Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P20M plantasyon ng marijuana sa Cebu nasilat

0 106

Umaabot sa mahigit P20 milyong halaga ng tanim na marijuana ang binunot ng pulisya matapos salakayin ang tatlong plantasyon sa bayan ng Balamban at Toledo City sa lalawigan ng Cebu, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Dahil sa pagbunot ng kabuuang P20.6 milyon halaga ng tanim na marijuana ay pinuri ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang awtoridad sa matagumpay na trabaho.

“I commend all the law enforcement personnel who were involved in this operation. Dahil sa patuloy na pagtutulungan ng PNP at ng PDEA, nagiging matagumpay ang ating mga operasyon laban sa ilegal na droga,” saad ni Eleazar.

Samantala nakatakas naman at patuloy na pinaghahanap ang tatlong maintainer ng nasabing plantasyon na nakilalang sina Rodrigo Cabilles, plantasyon sa Balamban, at dalawang plantasyon sa Toledo City na sina Ernie Lagaza at Enyoy Zabate.

Unang sinalakay ang plantasyon sa Barangay Gaas, Balamban, Cebu. Nakakumpiska ang awtoridad ng aabot sa 11,500 full grown marijuana na may halagang P4.6 milyon.

Sumunod ang plantasyon sa Sitio Hikapon, Brgy General Climaco, Toledo City. Nasa 25K full grown marijuana ang nakuha dito na nagkakahalagang P10M at panghuli ang plantasyon sa Sitio Hikapon, Brgy General Climaco, Toledo City, Cebu at P6M na 15,000 full grown marijuana ang binunot. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.