Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P20K ng amo ninenok ng kasambahay

0 81

SWAK sa kulungan ang isang 30-anyos na katulong nang tangayan nito ng mahigit P20K halaga ng pera at alahas ang kanyang amo matapos na magpaalam na uuwi na ng probinsiya sa Bacoor City, Cavite.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si Angelica Laguni, stay-in housemaid ng among si Ma. Corazon Velasco, ng Block 1 Lot 19 Viasti St., Ponteceliie, Brgy Molino 3, bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni Pat Marco Romero Cupo, ng Bacoor City Police Station, alas-8:00 kamakalawa ng gabi nang magpaalam ang suspek sa among si Velasco na uuwi na sa kanilang probinsiya sa Zambales.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero bago nakaalis ang suspek ay napansin ni Velasco na nawawala ang ilang gamit nito dahilan upang inspeksiyunin ang bag nito kung saan narekober ang isang Samsung cellphone (P15,000); make-up kit; 2 ATM card; 6 pirasong dollar coins; 2 gintong kuwintas; silver bracelet; Dove soap; P500 cash, na nasa kabuuang P22,200.

Humingi ng tulong sa kanilang barangay si Velasco na ikinaaresto ng suspek. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.